Wednesday, September 10, 2008

Ang Kabutihan ng Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan

Maraming mga hadith ang naiulat hinggil sa kabutihan ng ayuno, ating alalahanin ang ilan mula sa Sahih[1]:

1. Ayun kay Abu Hurayrah t ay nagsabi, sabi ng Sugo ni Allah (saws) [2]: sabi ni Allah: Lahat ng gawa ng anak ni Adam ay para sa kanyang sarili maliban sa ayuno, ito ay sa Akin at gagantimpalaan Ko ito. At ang ayuno ay panangga, at kapag sa araw ng ayuno ang isa man sa inyo ay huwag makipagtalik sa asawa at huwag umasal ng masama at kung ang isa ay ininsulto o kinalaban ay sabihing ako ay nag-aayuno, (sabi ng Propeta): Sumpaman sa Kaniya na ang aking kaluluwa ay nasa Kaniyang kamay, ang amoy na lumalabas sa bibig ng nag-aayuno ay tulad ng pabango para kay Allah sa Araw ng Muling Pagkabuhay[3] mula sa amoy ng Musk. At sa nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan, ang ligaya kapag kumakain siya ng Iftar at ligaya sa pagtatagpo niya sa kaniyang Panginoon dahil sa kaniyang ayuno.

2. Ayun kay Sahl bin Sa'd (ra), na ang Propeta (saws) ay nagsabi: Tunay na sa Paraiso ay may pinto na tinatawag na Rayyan, ang papasok dito ay ang mga mapag-ayuno sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at walang papasok kasama nila na kaiba sa kanila[4] at magsasabing; Nasaan ang mga mapag-ayuno? At sila ay papasok dito, at kapag nakapasok na ang huli sa kanila ay magsasara ang pinto at wala nang makakapasok dito.

3. At ayun kay Abu Hurayrah (ra) ay nagsabi: sabi ng Sugo ni Allah (saws); Ang ayuno ay panangga, at ito ay panangga sa Apoy.

4. Ang Qur’an at ayuno ay ang dalawang tagapamagitan para sa alipin (ni Allah) sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sabi ng ayuno: oh Panginoon! Akin siyang pinigilan sa pagkain at pagnanasa sa umaga kaya’t pinamamagitan ko siya at sabi ng Qur’an, Panginoon pinamamagitan ko siya, at ang pagpapamagitang ito ay tinugon (ni Allah).

5. At ayun kay Abu Musa (ra) ay nagsabi, sabi ng Propeta (saws): Tunay na si Allah ay itinakda sa Kaniyang sarili na sinuman ang inuhaw ang sarili para kay Allah sa araw na mainit, kaya't marapat lamang mula kay Allah na pawiin ang uhaw nito sa Araw ng Muling Pagkabuhay.

Mga Ikabubuti ng Ayuno at ang Epekto nito

Mula sa mga pangalan ni Allah ay "al-Hakim" at ang al-Hakim ay tinangi mula sa Hikma (talino), ang Hikma ay pagbibihasa sa mga bagay at paglalagay ng mga ito sa dapat nitong kalagyan. At marapat sa pangalang ito mula sa mga pangalan ni Allah, at na ang lahat ay nilalang ni Allah o Kaniyang tinalaga ay siyang Hikma.

At sa mga tinakda ni Allah at Kaniyang inubliga para sa Kaniyang mga alipin ay may dakilang talino at mga ikabubuti, at mula dito ay;

1. Tunay na ang ayuno ay pagsambang nagpapalapit sa alipin sa kaniyang Panginoon sa pamamagitan ng pag-iwan niya sa mga likas na kaibig-ibig sa kaniya tulad ng mga pagkain, inumin at pag-aasawa (pakikipagtalik) kapalit nito para sa ikalulugod ng Panginoon at tagumpay na makuha ang kaluguran Niya. At nililinaw rin dito (sa ayuno) ang hinggil sa Ithar[5] para sa mga kaibig-ibig sa Panginoon kapalit ng sa sariling nasa para sa Huling Araw at dito sa mundo.

2. Na ito ang dahilan ng pagkakaroon ng taqwa[6] (kay Allah) kung tinaguyod ng nag-aayuno na obligado ang kaniyang ayuno, sabi ni Allah:

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
"O mga sumasamapalataya tinakda sa inyo ang ayuno tulad ng pagtatakda sa mga nauna sa inyo sa gayun kayo ay maging matatakutin kay Allah" Baqarah 183

Kaya't sa nag-aayuno ay pinag-uutos sa kanila ang taqwa kay Allah at ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa utos Niya at pag-iwas sa pinagbabawal Niya, at ito ang siyang layun ng kadakilaan ng ayuno at hindi nito layunin ang pahirapan ang nag-aayuno dahil sa pag-iwan sa pagkain, pag-inom at pag-aasawa (pakikipagtalik), sabi ng Propeta (saws), "Sinuman ang hindi mag-iwan ng pagsasabi ng kasinungalingan at sa paggawa nito at ng kamangmangan ay hindi kailangan ni Allah ang sinumang umiiwan sa kaniyang pagkain at inumin.

3. At napangangalagaan niya ang sarili at dinadalisay ang ugali at naggaganap ito sa pagiging matuwid sa kaugalian ng nag-aayuno, at dahil na ang mensahi ng ayuno ay ang pagdadalisay at ang epekto nito ay kaganapan sa ugali ng Muslim. Tulad na ito ay nagtataguyod sa nag-aayuno na magtimpi sa sarili at nagiging bantay siya sa pang kalahatan sa kaniyang sariling ugali, at ito rin ang siyang pumipigil sa sarili mula sa loob, at nangunguna sa mga gawa ng Muslim nang nagpapasakop sa pagtitimping ito. Nakikita ba ang nag-aayuno na nagpapatotoo sa Panginoon habang nagsisinungaling sa tao? Nakita mo ba siyang sinsero sa kaniyang ayuno tapos ay nagpapakitang tao sa publiko? Tunay ang sinseridad ay ang lahat ng di-nakikita, kaya't sinuman ang maging sinsero para kay Allah ay malayong magpanggap o magtaksil o mandaya, at malayong magnakaw o manira o manakit, at kung mangyari man sa kanila ang bagay na ito sa mapanganib na landas ay magbabalik-loob at hihingi ng tawad at magsisisi ng ganap. Tunay na ang ayuno ay gawaing pundamental mula sa mga gawang pinaguugatan ng ugali at pinalalalim at binubuo nito ang matatag na pundasyon mula sa saluobin (ng tao). Sapagkat ang panlabas na kagandahan ay hindi maipagyayaman kung ang saluobin ay hindi maging matatag at hindi natitinag. At dahil dito ang mga nag-aayuno ay tinaglay ang katangiang matatag at patuloy na nadaragdagan at lumalaki, sapagkat mainam na napangangalagaan niya ang saluobin at labas (ng tao).

4. Ang ayuno ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensiya ng kultura, na siyang may kaugnayan sa mga pagsamba at kasanayang natatangi (kaiba sa katuruan ng Islam), na hindi nito maiwasan at hindi makayanang makalaya mula dito, at dumating ang ayuno at niligtas ang tao at binago nito ang mga nakasanayan ng ganap na pagbabago at kumpleto. At makikitang pagkatapos nito ay madaling nakalaya ang sarili mula sa mga nakasanayan na siyang dahilan ng pag-aalala at pagkalito sa sarili.

5. At ang ayuno ay nagpapatunay hinggil sa pagsuko at pagsamba para lamang kay Allah, kapag nag-aayuno ay nakikita ang Muslim sa tunay na pagsamba at kapag dumating ang gabi ay kumakain at umiinom sa pagsunod sa sabi ni Allah

وَكُلُوا وَاشْرَبُوا حَتَّى يَتَبَيَّنَ لَكُمُ الْخَيْطُ الأَبْيَضُ مِنَ الْخَيْطِ الأَسْوَدِ مِنَ الْفَجْرِ
"At kayo ay kumain at uminom hanggang sa maging malinaw sa inyo ang puting guhit mula sa itim na guhit sa madaling araw." – Baqarah 187

At dahil dito ay kaibig-ibig na kumain ang nag-aayuno sa pagdating ng iftar at sa suhur. At layuan ang pakikipagtalik, at dito ang pagkain ay nagiging pagsamba kay Allah. At kapag dumating ang madaling araw ay nagpipigil sa pagkain at pag-inom at ng mga nakasisira sa ayuno sa pagsunod sa utos ni Allah, sabi;
”Pagkatapos ay kumpletuhin ang ayuno hanggang gabi". Baqarah 187

At ganito sinanay ang Muslim hinggil sa ganap na pagsamba para kay Allah. –Ang ayuno ay pagtatakip, at tunay na ang mga kabutihan ay nagtatakip sa mga kasamaan at sa ayuno ay mayroong maraming kabutihan, at sinabi ni Allah:

إِنَّ الْحَسَنَاتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّئَاتِ
"Ang mga kabutihan ay nagpapaalis ng mga kasamaan" – Hud 114

At sabi ng Propeta (saws): Tukso (pagsubok) sa lalaki ang kaniyang pamilya at kayamanan at kapit-bahay at ito ay pinagtatakpan ng kaniyang salah, ayuno at kawanggawa. Ibig sabihin ay ang lahat ng siyang naglalagay sa alipin sa kamalian sa kaniyang pamilya sa salitang di-tama o nakasasakit o kasiraan, at mula sa kamalian sa kapit-bahay sa pakikialam sa pamamagitan ng salita o gawa, at sa kamalian sa kayamanan ay ang lahat ng ito at mga tulad nito mula sa maliliit na kasalanan ay napagtatakpan ng salah, ayuno at kawanggawa.

6. Ang ayuno ay ang nagbabalik sa Muslim sa pagtitiis, timpi at pasensiya sapagkat nagtitimpi sa pag-iwan sa mga kaibig-ibig nito at pagnanasa at pagtitiis sa dakilang paghihirap, at dito ang uri ng pagtitiis sa ayuno ay tatlo; ang pagtitiis para sa pagsunod kay Allah at sa pagtitiis sa mga pinagbabawal at sa tinakda ni Allah, at kung kailan magtitipon at papasok sa Paraiso ang alipin sa pahintulot ni Allah, sabi ni Allah:

إِنَّمَا يُوَفَّى الصَّابِرُونَ أَجْرَهُمْ بِغَيْرِ حِسَابٍ
"Tunay na ibibigay sa mga mapagtiis ang kanilang gantimpala ng hindi sila bibilangan" - Hud 114

7. Tunay na ang ayuno ay dahilan ng kaligayahan sa dalawang tahanan (daigdig at kabilang buhay) tulad na sabi ng Propeta (saws): Para sa nag-aayuno ay dalawang kaligayahan, ligaya sa oras ng pagkain ng iftar at ligaya sa pagtatagpo nila ng kaniyang Panginoon. Ang hinggil sa ligaya sa oras ng pagkain ng kanyang iftar ay tulad ng ligaya at sarap na siyang matatagpuan ng sumasampalataya dahil sa kaniyang pagsunod at taqwa sa kaniyang Panginoon. At ito ang tunay na kaligayahan; at ang ligayang ito ay may dalawang bahagi: Una: Na si Allah ay pinahintulutan sa kaniya ang pagkain at paginom sa sandaling yaon – at walang alinlangan – na ito ay likas na hilig sa pagmamahal sa pagkain at pag-inom (ng tao), at dahil dito ay sinasamba si Allah sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga ito (sa pagkain). At Pangalawa: Na pinahintulutan siya ni Allah na makumpleto ang ayuno sa araw na yaon at pagganap sa pagsambang yaon. At ang hinggil naman sa dakilang kaligayahan ay ang pagtatagpo sa Panginoon sa Huling Araw at gagantimpalaan dahil sa kanyang ayuno ng dakilang gantimpala sa pamamagitan ng pagsasalba sa kaniya at ipapasok siya sa Paraiso mula sa pinto ng Rayyan.

8. At sa pamamagitan ng ayuno ay nadaragdagan ang pananampalataya at humihiling ang alipin ng marami mula sa mga pagsamba, sa salah, pagbabasa ng Qur'an, sa pag-alala kay Allah, sa pagkakawanggawa at panalangin, at sa paghingi ng tawad at pagbabalik loob, at linalayo sa sarili na mapunta sa mga bagay na pinagbabawal at ito ay mula sa dakilang kabutihan at nagtutubog mula sa mga kasamaan.

9. At mula sa kabutihang pang-social ng ayuno ay ang pagkakapantay-pantay ng mga mayayaman at mga mahihirap, ang mga tanyag at ordinaryong tao, at nararamdaman ng mga tao na sila ay isang ummah, kumakain sa isang pagkakataon at nag-aayuno sa iisang pagkakataon (sabay-sabay), at nararamdaman ng mayayaman ang biyaya ni Allah sa kanila nang sa gayun sila'y magkaroon ng simpatiya sa mga mahihirap, at mababawasan ang mga patibong ng satanas sa anak ni Adam. At dito at may taqwa para kay Allah, at pinalalakas ang ugnayan ng lahat sa bawat isa.

[1] Sahih – Tama, hadith na may matatag na pag-uulat
[2] (saws) Salallahu alaihi wa sallam – Nawa ang pagpapala at kapayapaan ay suma kaniya (sa Propeta Muhammad)
[3] Huling Araw o Araw ng Paghuhukom
[4] Ang mga hindi mapag-ayuno
[5] Maaring pakahulugan na “Pagpaparaya” o pagbibigay sa iba kapalit ng para sa sarili.
[6] Taqwa – Takot na iniuukol para kay Allah, pangingilag magkasala.

No comments: