Thursday, September 11, 2008

Ang Pagtahak sa Tuwid na Landas at Pag-iwan sa Maling Dating Daan

Pare-pareho Lamang Lahat ng Relihiyon

Ang pagtahak sa Tuwid na Landas ng Diyos ay siyang pinaka-mithiin ng mga taong kumilala sa Kanya ngunit sa dami ng landas na ating masasalubong sa ating paglalakbay dito sa buhay ay iisa lamang ang tama at tuwid na landas. Bago natin talakayin ang pagtahak sa tamang landas ay nais ko munang bigyan ng pansin ang pilosopiyang "pare-pareho lamang ang relihiyon at iisa lamang ang ating patutunguhan". Ito ba ay tunay na makatuwiran o isa na namang dahilan ng kamangmangan?

Kung ating tatanggapin ang ganitong pangangatwiran ay mismo ang Diyos ang ating kokontrahin at sasalungatin. Siya ang may likha sa mga tao at sa lahat ng nilikha, kaya't Siya lamang at walang iba ang may nakaaalam hinggil sa kalagayan ng mga tao. Ginawa Niya ang unang tao na si Adam u na may kalayaang pumili at inilagay Niya ito sa isang lugar kasama ang pagsubok dito, at dahil sa paglagay ni Allah I ng pagsubok sa tao ay nagbigay rin Siya ng mga babala hinggil sa mga pagsubok na ito.

"At sinabi Namin: O Adam manirahan ka kasama ang iyong asawa sa hardin, kainin niyo ang inyong naisin mula sa mga masagana, ngunit huwag kayong lalapit sa puno, sapagka’t kayo ay magiging dhalimin[1]."2:34

Ngunit si Adam (as) ay nakalimot, natukso, nagkasala sa paglapit nila sa puno ngunit sila ay nagbalik-loob at sila ay pinatawad ng Diyos at namuhay ng masunurin sa Diyos hanggang sa pagdating ng kanyang mga lipi na naging masunurin din sa Tagapaglikha sa mahabang panahon. Ngunit dumating din ang panahon na sila ay muling naligaw at nagkasala at dito ay nagpadala si Allah I ng Sugo na si Nuh (as) upang ipaalala ang hinggil sa tamang pagsamba sa Diyos, sapagkat sa pagkakataong ito ay marami ng landas ang kinikilala ng mga tao at iilan na lamang ang nagbalik sa tamang landas. At ang nagbalik sa tamang landas ay pinagyaman at pinarami muli ni Allah I ngunit sa paglipas ng panahon sila’y muling nangaligaw at nagpadala na naman si Allah (swt) ng mga sugo at mensahero upang magpaalala muli sa kanila. At sa paglipas ng mga panahon ay nagpadala ang Diyos ng maraming mga sugo at propeta sa bawat nasyon at panahon dahil sa mga maling landas na sinunod ng mga tao.

Hanggang sa pagdating ni Moises (as), nang i-sugo siya ni Allah para sa lipi ng Israel at ibigay ang batas na ini-atang sa kanila ni Allah I, ngunit ang mga taong ito ay masyadong naging mapagmalaki, ang ilan ay naging masunurin rin ngunit malaki ang bilang ng naging mapagmalaki kahit malinaw sa kanila ang mga tanda mula sa Panginoon. Kahit ngayon ay may mga taong ganito na kahit nakikita na nila ang malinaw na tanda ay nagmamalaki parin sa kanilang mga sarili.

At nagpatuloy si Allah I sa pagpapadala ng mga sugo at propeta para magpaalala sa mga tao hinggil sa tamang pagkilala at pagsamba sa Kanya at pag-iwas sa pagsunod sa mga sariling pananaw. Sa panahong ito ng mga Israelita ay walang duda na kilala na nila si Allah, ngunit si Allah I ay patuloy parin sa pagpapadala ng mga sugo at propeta sapagkat bagkus kilala nga Siya (Allah) ng mga Israelita ngunit maraming mga landas o paraan ang kanilang sinusunod. At sinimulan na nilang pangalanan ang kanilang sarili bilang mga Hudyo na galing sa pangalan ni Hudea (yahudah) na anak ni Jacob, kapalit sa titulong "Tagasunod ng isang Diyos"[2] at tinawag ang kanilang relihiyon bilang Hudayismo na kapalit ng "Pagsuko at pagtalima sa iisang Diyos"[3]

Sa pagkaligaw na ito ay ipinadala ni Allah I si Jesus (as) na anak ni Maria, espesyal para sa mga nangaligaw mula sa angkan ng Israel o ng mga Hudyo at ang ilan ay nagbalik-loob kasama ang mga naging apostol ni Jesus (as). At sila ay nagbalik sa pagsuko at pagpapasakop sa iisang Diyos sa pangunguna ni Jesus (as).

Sa paglisan ni Jesus (as), dahil na rin sa kagustuhan ni Allah, naiwan ang mga apostol (mga tunay na tagasunod ni Jesus (as) at kasamahan at hindi yaong lumutang pagkatapos ng kanyang pag-alis) sa pangangaral ng pagsunod sa iisang Diyos. At tulad rin ng mga naunang tao, unti-unti ring naligaw at kumilala ang mga tao ng kanilang landas at iniwan ang aral ni Jesus (as) at pinalitan ang kanilang pangalan bilang mga Kristiyano at relihiyon bilang Kristiyanismo. Ganito nagkaroon ng iba’t-iba at maraming landas ang mga tao na ngayon ay kanya-kanyang tahak sila. Binago nila ang landas na itinuro ng mga Propeta at Sugo na ipinadala sa kanila kapalit sa pagsunod sa kanilang sariling nasa. Pansinin na lamang ang Hudyo at Kristiyano sa ating panahon at pagkatapos ay tanungin sila kung may bakas pa ba ang katuruan ng mga Propeta sa kanilang relihiyon. Ngayon talamak sa mga bansang Kristiyano at Hudyo ang kalaswaan, pang-aapi, pornograpiya, kabaklaan at iba pa at binabatikos nila ang pamamaraang Islamiko tulad ng pagdarasal ng limang beses sa isang araw, pagdamit ng mga kababaihan ng mahaba, pagbabawal ng alak at pelikulang malaswa.

Kaya maaari nating bigyan ng katumpakan na ang mga nagsasabi na pare-pareho lamang ang relihiyon at iisa lamang ang ating landas na patutunguhan ay bakas ng kamangmangan na namana mula sa mga ligaw na katwiran ng mga naunang naligaw at para manatili ang pagsunod nila sa kanilang hilig, maling paniniwala, at pag-iwan sa pagsamba at pagkilala sa iisang Diyos. At katotohanan na si Satanas ay nagtagumpay sa kanila, maliban na balikan nila ang tamang landas.
[1] Di-makatwiran at mapaggawa ng kasamaan
[2] Tunay na kahulugan ng Muslim
[3] Na kahulugan sa wikang arabe ay "Islam"

Wednesday, September 10, 2008

Ang Islam at ang Pangangailangan ng Tao Dito


1. Pinakapangunahing pagkakaiba ng Islam sa ibang relihiyon.

Lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at huwag gumawa ng masama. Pero sa Islam, higit pa dito ang ipinapayo sa sangkatauhan. Binibigyan tayo nito ng gabay sa paraang practikal kung paano maging mabuti at ang hindi gumawa ng masama at alisin ang kasamaan mula sa ating mga sarili at sa lugar na kung saan tayo nabubuhay. Ang Islam ay gabay mula sa Tagapaglikha at tinatawag din itong "Dín-ul-Fitrah" o ang likas na relihiyon ng tao.

2. Halimbawa: Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng isang tao.

Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang pagnanakaw ay isang masamang gawain. Ngunit ang Islam lamang na bagkos sa pagtuturo na ito ay kasalanan ay nagbibigay pa ng paraan upang ito ay iwasan ng tao. Ang paggawad ng kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay ng taong nagnakaw, sabi sa Qur'an Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain. Qur'an 5:38. Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta r ang tao na ito ay maaring palakpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao upang ito ay hindi na pamarisan.

Ang Islam ay nag-uutos ng Zakát
Ang Islam ay nag-uutos ng sistema ng Zakát (obligatory annual charity). Ang batas ng Islam ay nag-uutos na ang bawat tao na may ipon na umabot sa nisab i.e higit sa 85 gramo ng ginto, ay kailangang magbigay ng 2.5% mula sa kanyang ipon kada-taon para sa kawang-gawa. Ito ay obligado sa lahat ng sumasamapalatayang umabot ang kayamanang sa antas na marapat patawan ng Zakát. At ang malilipong Zakát ay ipamamahagi sa tamang pamamaraan kasama ang pagbibigay sa mga mahihirap at hikahos sa buhay. Ito ay hindi tulad ng buwis at abuluyan sapagkat ang buwis at abuluyan ay pati ang mga mahihirap ay kinukolektahan. Tulad na lamang sa Pilipinas ang Withholding tax na sinisingil sa mga manggagawa kahit na ang mga sahod ay hindi pa sapat para sa kanilang mga sarili, ngunit ang mga tiwaling tao ng gobyerno lamang ang nakikinabang. Gayun rin ang abuluyan sa simbahan pati ang mga mahihirap ay pinag-aabuloy samantalang makikita ang mga pinuno ng iglesia na magagara ang kasuotan, bahay at sasakyan.

Gampanin ng Islam sa Personal na Pamumuhay ng Tao

Ang Islam ay may kakayanan rin pangunahan ang personal na gawain ng tao at hindi lamang para sa malalaking batas. Tulad na lamang sa paraan ng pagkain, ang Islam ay nagtuturo ng tamang paraan ng pagkain. Ayon sa tradisyon ng Propeta (saws) marapat ng maghugas ng kamay bago kumain at kumain sa pamamagitan ng kanang kamay at bigkasin ang panglan ng Diyos sa pagsimula ng pagkain at kainin lamang ang nasa malapit sa iyo at pagkatapos kumain ay maglinis ng kamay at bibig at magpasalalamt sa Diyos. Gayun rin tinuturo ng Islam ang tamang paraan ng pananamit ng lalaki at babae. At kahit na ang paggamit ng palikuran ay nagtuturo ang Islam ng tamang pamamaraan. At kahit pa ang pagtatalik ng mag-asawa ay mayroong nilaan ang Islam ng tamang pamamaraan.

Ang Resulta kung Ipatutupad ang Islamic Sharí'ah

Kung ang batas ng Islam ang ipatutupad sa Pilipinas, tunay nga nakakaahon tayo sa kahirapan, sapagkat ang nagpapabagsak sa Pilipinas at sa ilan pang bansa ay ang sistema ng Batas. Sapagkat sa sistema na ito na hindi galing sa Diyos at tunay na paglalaruan ito ng mga tiwaling kawani ng gobyerno at mga mapagsamantalang mayayaman na sila ang dahilan ng paglaki ng bilang ng kahirapan sa mga bansa.

Halimbawa lahat ng mayayaman ay magbibigay ng Zakát dahil sa pananampalataya at ipamamahagi sa mga mahihirap tunay na maiibsan ang kahirapan sa ating bansa at gayun rin kung ang lahat ng mga mapapatunayang nagnakaw ay parurusahan ng putol kamay sa harap ng madla. Sa tingin ba natin ay hindi babawa ang kaso ng pagnanakaw sa loob at labas ng gobyerno? Ito ang kabutihang resulta ng pagpapatupad ng batas ng Islam

At ayun rin sa mga Muslim na Iskolar ang Islam ay pinadala dahil sa 5 bagay na ito.
Ang mapangalgaan ang pananampalataya ng tao sa tunay na Diyos- sapagkat mula pa sa panahon ni Adan ay patuloy ang Islam sa paglilinaw sa tao ang hinggil sa tunay na katuruan ng Diyos at tamang pananampalataya dito na ayun sa aral ng mga sugo at propeta.
Ang mapangalagaan ang buhay ng tao, nagpaparatang ang Islam sa pamamagitan ng utos ng Diyos at katuwiran hinggil sa pagpapataw sa taong nagkasala kamatayan at tulad nitong mga krimen upang maging babala sa tao at maproteksyunan ang mas nakararaming buhay. Inutusan rin ang mga sumasampalataya na ipagtanggol ang kanilang mga sarili at mga nasasakupan, ang mga ito man ay di-Muslim sa oras ng opresyon.

Ang mapagibayo ang katalinuhan ng tao- ang Islam ay relihiyong binuo sa pamamagitan ng kaalaman- Islam lamang ang nagpapakilala ng praktikal na pamamaraan upang mapabuti ang tao at ang pananampalataya nito. Kasabay ng matatatag at matitibay na tanda at ebidensya.
Ang pangangalaga sa karapatan at dangal ng tao- Ang Islam ay pinangangalagaan ang dangal ng tao sa pamamagitan ng pag-uutos ng kabutihan at pagbabawal ng kasamaan at pag-uutos na iwasan ang alinmang bagay na maaring mapunta ang tao sa immoral na gawain.

Ang mapangalagaan ang kayamanan at salapi ng tao, Dahil dito ay nag-uutos ang Islam ng masidhing parusa para sa mga magiisip ng kasamaan o pagnakawan ang tao ng kaniyang salapi at kayamanan. Kabilang pa dito ang pagbabawal ng Islam sa Riba' o pagbibgay ng interes sa pagpapautang o sa kahit na anong bagay.

Islam lamang ang kayang magbigay ng solusyon sa lahat ng problema ng tao sa paraang practical at epektibo sapagkat ang Diyos mismo ang may akda nito at hindi ang tao. At mapapatunayan ang katuparan nito ayun na rin sa mga mananalaysay na pinag-aralan ang pamamaraan ng Islamikong pamumuhay.

Ang Kabutihan ng Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan

Maraming mga hadith ang naiulat hinggil sa kabutihan ng ayuno, ating alalahanin ang ilan mula sa Sahih[1]:

1. Ayun kay Abu Hurayrah t ay nagsabi, sabi ng Sugo ni Allah (saws) [2]: sabi ni Allah: Lahat ng gawa ng anak ni Adam ay para sa kanyang sarili maliban sa ayuno, ito ay sa Akin at gagantimpalaan Ko ito. At ang ayuno ay panangga, at kapag sa araw ng ayuno ang isa man sa inyo ay huwag makipagtalik sa asawa at huwag umasal ng masama at kung ang isa ay ininsulto o kinalaban ay sabihing ako ay nag-aayuno, (sabi ng Propeta): Sumpaman sa Kaniya na ang aking kaluluwa ay nasa Kaniyang kamay, ang amoy na lumalabas sa bibig ng nag-aayuno ay tulad ng pabango para kay Allah sa Araw ng Muling Pagkabuhay[3] mula sa amoy ng Musk. At sa nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan, ang ligaya kapag kumakain siya ng Iftar at ligaya sa pagtatagpo niya sa kaniyang Panginoon dahil sa kaniyang ayuno.

2. Ayun kay Sahl bin Sa'd (ra), na ang Propeta (saws) ay nagsabi: Tunay na sa Paraiso ay may pinto na tinatawag na Rayyan, ang papasok dito ay ang mga mapag-ayuno sa Araw ng Muling Pagkabuhay, at walang papasok kasama nila na kaiba sa kanila[4] at magsasabing; Nasaan ang mga mapag-ayuno? At sila ay papasok dito, at kapag nakapasok na ang huli sa kanila ay magsasara ang pinto at wala nang makakapasok dito.

3. At ayun kay Abu Hurayrah (ra) ay nagsabi: sabi ng Sugo ni Allah (saws); Ang ayuno ay panangga, at ito ay panangga sa Apoy.

4. Ang Qur’an at ayuno ay ang dalawang tagapamagitan para sa alipin (ni Allah) sa Araw ng Muling Pagkabuhay, sabi ng ayuno: oh Panginoon! Akin siyang pinigilan sa pagkain at pagnanasa sa umaga kaya’t pinamamagitan ko siya at sabi ng Qur’an, Panginoon pinamamagitan ko siya, at ang pagpapamagitang ito ay tinugon (ni Allah).

5. At ayun kay Abu Musa (ra) ay nagsabi, sabi ng Propeta (saws): Tunay na si Allah ay itinakda sa Kaniyang sarili na sinuman ang inuhaw ang sarili para kay Allah sa araw na mainit, kaya't marapat lamang mula kay Allah na pawiin ang uhaw nito sa Araw ng Muling Pagkabuhay.

Mga Ikabubuti ng Ayuno at ang Epekto nito

Mula sa mga pangalan ni Allah ay "al-Hakim" at ang al-Hakim ay tinangi mula sa Hikma (talino), ang Hikma ay pagbibihasa sa mga bagay at paglalagay ng mga ito sa dapat nitong kalagyan. At marapat sa pangalang ito mula sa mga pangalan ni Allah, at na ang lahat ay nilalang ni Allah o Kaniyang tinalaga ay siyang Hikma.

At sa mga tinakda ni Allah at Kaniyang inubliga para sa Kaniyang mga alipin ay may dakilang talino at mga ikabubuti, at mula dito ay;

1. Tunay na ang ayuno ay pagsambang nagpapalapit sa alipin sa kaniyang Panginoon sa pamamagitan ng pag-iwan niya sa mga likas na kaibig-ibig sa kaniya tulad ng mga pagkain, inumin at pag-aasawa (pakikipagtalik) kapalit nito para sa ikalulugod ng Panginoon at tagumpay na makuha ang kaluguran Niya. At nililinaw rin dito (sa ayuno) ang hinggil sa Ithar[5] para sa mga kaibig-ibig sa Panginoon kapalit ng sa sariling nasa para sa Huling Araw at dito sa mundo.

2. Na ito ang dahilan ng pagkakaroon ng taqwa[6] (kay Allah) kung tinaguyod ng nag-aayuno na obligado ang kaniyang ayuno, sabi ni Allah:

يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِّيَامُ كَمَا كُتِبَ عَلَى الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ
"O mga sumasamapalataya tinakda sa inyo ang ayuno tulad ng pagtatakda sa mga nauna sa inyo sa gayun kayo ay maging matatakutin kay Allah" Baqarah 183

Kaya't sa nag-aayuno ay pinag-uutos sa kanila ang taqwa kay Allah at ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa utos Niya at pag-iwas sa pinagbabawal Niya, at ito ang siyang layun ng kadakilaan ng ayuno at hindi nito layunin ang pahirapan ang nag-aayuno dahil sa pag-iwan sa pagkain, pag-inom at pag-aasawa (pakikipagtalik), sabi ng Propeta (saws), "Sinuman ang hindi mag-iwan ng pagsasabi ng kasinungalingan at sa paggawa nito at ng kamangmangan ay hindi kailangan ni Allah ang sinumang umiiwan sa kaniyang pagkain at inumin.

3. At napangangalagaan niya ang sarili at dinadalisay ang ugali at naggaganap ito sa pagiging matuwid sa kaugalian ng nag-aayuno, at dahil na ang mensahi ng ayuno ay ang pagdadalisay at ang epekto nito ay kaganapan sa ugali ng Muslim. Tulad na ito ay nagtataguyod sa nag-aayuno na magtimpi sa sarili at nagiging bantay siya sa pang kalahatan sa kaniyang sariling ugali, at ito rin ang siyang pumipigil sa sarili mula sa loob, at nangunguna sa mga gawa ng Muslim nang nagpapasakop sa pagtitimping ito. Nakikita ba ang nag-aayuno na nagpapatotoo sa Panginoon habang nagsisinungaling sa tao? Nakita mo ba siyang sinsero sa kaniyang ayuno tapos ay nagpapakitang tao sa publiko? Tunay ang sinseridad ay ang lahat ng di-nakikita, kaya't sinuman ang maging sinsero para kay Allah ay malayong magpanggap o magtaksil o mandaya, at malayong magnakaw o manira o manakit, at kung mangyari man sa kanila ang bagay na ito sa mapanganib na landas ay magbabalik-loob at hihingi ng tawad at magsisisi ng ganap. Tunay na ang ayuno ay gawaing pundamental mula sa mga gawang pinaguugatan ng ugali at pinalalalim at binubuo nito ang matatag na pundasyon mula sa saluobin (ng tao). Sapagkat ang panlabas na kagandahan ay hindi maipagyayaman kung ang saluobin ay hindi maging matatag at hindi natitinag. At dahil dito ang mga nag-aayuno ay tinaglay ang katangiang matatag at patuloy na nadaragdagan at lumalaki, sapagkat mainam na napangangalagaan niya ang saluobin at labas (ng tao).

4. Ang ayuno ay nagpapalaya sa tao mula sa impluwensiya ng kultura, na siyang may kaugnayan sa mga pagsamba at kasanayang natatangi (kaiba sa katuruan ng Islam), na hindi nito maiwasan at hindi makayanang makalaya mula dito, at dumating ang ayuno at niligtas ang tao at binago nito ang mga nakasanayan ng ganap na pagbabago at kumpleto. At makikitang pagkatapos nito ay madaling nakalaya ang sarili mula sa mga nakasanayan na siyang dahilan ng pag-aalala at pagkalito sa sarili.

5. At ang ayuno ay nagpapatunay hinggil sa pagsuko at pagsamba para lamang kay Allah, kapag nag-aayuno ay nakikita ang Muslim sa tunay na pagsamba at kapag dumating ang gabi ay kumakain at umiinom sa pagsunod sa sabi ni Allah

وَكُلُوا وَاشْرَبُوا حَتَّى يَتَبَيَّنَ لَكُمُ الْخَيْطُ الأَبْيَضُ مِنَ الْخَيْطِ الأَسْوَدِ مِنَ الْفَجْرِ
"At kayo ay kumain at uminom hanggang sa maging malinaw sa inyo ang puting guhit mula sa itim na guhit sa madaling araw." – Baqarah 187

At dahil dito ay kaibig-ibig na kumain ang nag-aayuno sa pagdating ng iftar at sa suhur. At layuan ang pakikipagtalik, at dito ang pagkain ay nagiging pagsamba kay Allah. At kapag dumating ang madaling araw ay nagpipigil sa pagkain at pag-inom at ng mga nakasisira sa ayuno sa pagsunod sa utos ni Allah, sabi;
”Pagkatapos ay kumpletuhin ang ayuno hanggang gabi". Baqarah 187

At ganito sinanay ang Muslim hinggil sa ganap na pagsamba para kay Allah. –Ang ayuno ay pagtatakip, at tunay na ang mga kabutihan ay nagtatakip sa mga kasamaan at sa ayuno ay mayroong maraming kabutihan, at sinabi ni Allah:

إِنَّ الْحَسَنَاتِ يُذْهِبْنَ السَّيِّئَاتِ
"Ang mga kabutihan ay nagpapaalis ng mga kasamaan" – Hud 114

At sabi ng Propeta (saws): Tukso (pagsubok) sa lalaki ang kaniyang pamilya at kayamanan at kapit-bahay at ito ay pinagtatakpan ng kaniyang salah, ayuno at kawanggawa. Ibig sabihin ay ang lahat ng siyang naglalagay sa alipin sa kamalian sa kaniyang pamilya sa salitang di-tama o nakasasakit o kasiraan, at mula sa kamalian sa kapit-bahay sa pakikialam sa pamamagitan ng salita o gawa, at sa kamalian sa kayamanan ay ang lahat ng ito at mga tulad nito mula sa maliliit na kasalanan ay napagtatakpan ng salah, ayuno at kawanggawa.

6. Ang ayuno ay ang nagbabalik sa Muslim sa pagtitiis, timpi at pasensiya sapagkat nagtitimpi sa pag-iwan sa mga kaibig-ibig nito at pagnanasa at pagtitiis sa dakilang paghihirap, at dito ang uri ng pagtitiis sa ayuno ay tatlo; ang pagtitiis para sa pagsunod kay Allah at sa pagtitiis sa mga pinagbabawal at sa tinakda ni Allah, at kung kailan magtitipon at papasok sa Paraiso ang alipin sa pahintulot ni Allah, sabi ni Allah:

إِنَّمَا يُوَفَّى الصَّابِرُونَ أَجْرَهُمْ بِغَيْرِ حِسَابٍ
"Tunay na ibibigay sa mga mapagtiis ang kanilang gantimpala ng hindi sila bibilangan" - Hud 114

7. Tunay na ang ayuno ay dahilan ng kaligayahan sa dalawang tahanan (daigdig at kabilang buhay) tulad na sabi ng Propeta (saws): Para sa nag-aayuno ay dalawang kaligayahan, ligaya sa oras ng pagkain ng iftar at ligaya sa pagtatagpo nila ng kaniyang Panginoon. Ang hinggil sa ligaya sa oras ng pagkain ng kanyang iftar ay tulad ng ligaya at sarap na siyang matatagpuan ng sumasampalataya dahil sa kaniyang pagsunod at taqwa sa kaniyang Panginoon. At ito ang tunay na kaligayahan; at ang ligayang ito ay may dalawang bahagi: Una: Na si Allah ay pinahintulutan sa kaniya ang pagkain at paginom sa sandaling yaon – at walang alinlangan – na ito ay likas na hilig sa pagmamahal sa pagkain at pag-inom (ng tao), at dahil dito ay sinasamba si Allah sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga ito (sa pagkain). At Pangalawa: Na pinahintulutan siya ni Allah na makumpleto ang ayuno sa araw na yaon at pagganap sa pagsambang yaon. At ang hinggil naman sa dakilang kaligayahan ay ang pagtatagpo sa Panginoon sa Huling Araw at gagantimpalaan dahil sa kanyang ayuno ng dakilang gantimpala sa pamamagitan ng pagsasalba sa kaniya at ipapasok siya sa Paraiso mula sa pinto ng Rayyan.

8. At sa pamamagitan ng ayuno ay nadaragdagan ang pananampalataya at humihiling ang alipin ng marami mula sa mga pagsamba, sa salah, pagbabasa ng Qur'an, sa pag-alala kay Allah, sa pagkakawanggawa at panalangin, at sa paghingi ng tawad at pagbabalik loob, at linalayo sa sarili na mapunta sa mga bagay na pinagbabawal at ito ay mula sa dakilang kabutihan at nagtutubog mula sa mga kasamaan.

9. At mula sa kabutihang pang-social ng ayuno ay ang pagkakapantay-pantay ng mga mayayaman at mga mahihirap, ang mga tanyag at ordinaryong tao, at nararamdaman ng mga tao na sila ay isang ummah, kumakain sa isang pagkakataon at nag-aayuno sa iisang pagkakataon (sabay-sabay), at nararamdaman ng mayayaman ang biyaya ni Allah sa kanila nang sa gayun sila'y magkaroon ng simpatiya sa mga mahihirap, at mababawasan ang mga patibong ng satanas sa anak ni Adam. At dito at may taqwa para kay Allah, at pinalalakas ang ugnayan ng lahat sa bawat isa.

[1] Sahih – Tama, hadith na may matatag na pag-uulat
[2] (saws) Salallahu alaihi wa sallam – Nawa ang pagpapala at kapayapaan ay suma kaniya (sa Propeta Muhammad)
[3] Huling Araw o Araw ng Paghuhukom
[4] Ang mga hindi mapag-ayuno
[5] Maaring pakahulugan na “Pagpaparaya” o pagbibigay sa iba kapalit ng para sa sarili.
[6] Taqwa – Takot na iniuukol para kay Allah, pangingilag magkasala.